Covering Pampanga, Bulacan, Bataan, Tarlac and Olongapo

Homes, offices, restaurants and warehouses

Kagat ng daga: ano ang gagawin

Magpatingin sa doktor sa lalong madaling panahon kung sumugat sa balat ang kagat o kalmot ng daga. Habang papunta, hugasan at takpan ang sugat.

Gamot sa kagat ng daga: unahin ang doktor

  1. Magpatingin sa doktor. Agad-agad kung nasa leeg, ulo, mukha, kamay, daliri o paa ang kagat. Ang doktor ang magpapasya kung kailangan ng tahi, tetanus shot o antibiotic.
  2. Pigilan ang pagdugo sa pagdiin ng malinis at tuyong tela sa sugat.
  3. Hugasan agad ng sabon at tubig nang hindi bababa sa 10 minuto, ayon sa DOH.
  4. Takpan ng tuyo at malinis na benda.

Walang antibiotic o gamot na dapat inumin para sa kagat ng daga nang walang reseta. Nagbabala ang DOH na mapanganib ang pag-inom ng antibiotic para sa leptospirosis nang walang reseta ng doktor. Kung naghahanap ka ng pangalan ng gamot, iyan mismo ang itanong sa doktor: siya ang pipili batay sa sugat at sa iyo.

Tungkol sa rabies at anti-rabies sa kagat ng daga, nasa Ingles ang sinasabi ng WHO at CDC sa do rats have rabies?. Ang doktor pa rin ang magpapasya.

Kung hindi daga kundi mahabang insektong maraming paa ang kumagat, iba ang lunas: basahin ang alupihan.

Epekto ng kagat ng daga sa tao: dalawang sakit na dapat bantayan

Rat-bite fever. Nakukuha ito sa kagat o kalmot ng daga, sa laway o ihi nito, at sa pagkain o inuming nakontamina. Parang trangkaso ang simula: lagnat, pagsusuka, sakit ng ulo at pananakit ng kalamnan, at madalas may pananakit ng kasukasuan at pantal. Nagagamot ito ng antibiotic kung maagang masimulan, kaya kung nakagat o nakalmot ka at nagkasintomas, magpatingin agad.

Leptospirosis. Nasa ihi ng daga ang mikrobyo, at pumapasok ito sa sugat o gasgas sa balat, o sa mata, ilong at bibig. Nasa tubig, basang lupa o halamang nadumihan ng ihi ito, at mas mataas ang panganib kapag may baha. Kasama sa sintomas ang mataas na lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan lalo na sa binti at ibabang likod, pulang mata, panginginig, pagsusuka o pagtatae, paninilaw ng balat at mata, at maitim na ihi. Kapag hindi nagamot, puwede itong makasira ng bato at atay, at ikamatay.

Kailan puwedeng lumabas ang sintomas

Rat-bite feverKaraniwang 3 hanggang 10 araw, hanggang 21
Leptospirosis5 hanggang 14 na araw
Solido ang karaniwan; putol-putol hanggang sa pinakamatagal na naitala. Bantayan ang lagnat hanggang tatlong linggo pagkatapos ng kagat. Pinagkunan: CDC, About Rat Bite Fever; at ang leptospirosis ayon sa ulat ng Philippine News Agency noong 5 Agosto 2025 na sumipi sa DOH. Binasa noong 26 Setyembre 2026.

Ang pinagmumulan: ang daga sa bahay

Payo ng DOH na panatilihing malinis ang bahay at paligid at alisin ang pinamumugaran ng daga, iwasang lumusong o magbabad sa baha, at magsuot ng bota at guwantes kung hindi maiiwasan. Takpan ang sugat, at hugasan ng malinis na tubig ang balat na nababad sa baha.

Hanapin kung saan sila dumadaan at namumugad: tingnan ang tae ng daga sa bahay at ang baby rat, alamin kung aling daga ito sa pahinang daga, at ang mga paraan sa how to get rid of rats. Para mahanap at maalis ang pugad, magpa-book ng inspeksyon sa rodent and rat removal. Nagseserbisyo kami sa Pampanga, Bulacan, Bataan, Tarlac at Olongapo.

Mga pinagkunan

Tell us what you have found

Send the pest, the town and roughly how long it has been going on. That is enough for us to say what the treatment would involve and what it depends on.

Tell us what you found
Message us

Message us

Tell us what you found and leave a mobile number so the team can reach you.